
Ala lang. Isheshare ko lang itong kakatapos ko lang na project ko sa major subject namin ngayon... Graphic Design... Hayy... kakapagod... Sensya na mga kablog ah! Kasi super busy talaga ako ngayon eh. Kung mapapansin niyo bihira nalang ako mag post... depende nalang kung may kwento ako... Minsan nalang din ako dumalaw sa mga blogs niyo, kung minsan pa nga eh nakakalimutan ko pang mag-comment. Ayun... Sorry talaga ah?
So ayun nga... ang tentative title nito: "Time Machine In Eternity"... o kaya "I Will Wait For You In Eternity" o ha? grabe, super inspired ako sa paggawa ko nito, habang iniisip ko yung EX ko. Yung text, yan yung kinakanta niya sa akin lagi before, yan lang kasi yung kantang abot ng boses niya.. (Alipin).. As you can see may rainbow! Bukod sa mahilig ako sa rainbow, sabih kasi nila ang rainbow daw ay ang bridge from earth to heaven... Heaven is eternity kasi para sa akin eh... Tapos yung background ko naman eh "galaxy" --no beginning and no end... eternity parin! hahaha... Tapos yung nasa kanan naman, yung mga pinagsama sama kong pictures eh yung mga nagpapaalala sa akin sa kanya... basta, andyan yung past namin. Hahaha! Tapos yung sa kaliwa naman, as you can see napaglipasan na ng panahon yung mga kasuotan nila... That means eh kung babalikan man nila ang nakaraan, sana "timeless" na this (time)... Hahaha... So ayun lang... Sana nagustuhan niyo, kasi nagustuhan ko talaga siya! Nag-enjoy ako sa paggawa. Ok lang kahit pangit para sa prof ko, mataas naman standards nun eh. Huhuhu :(
Ingat kau! God Bless!
Nga pala, galing sa deviantart.com lahat ng mga pics na yan! Sa Adobe Photoshop 7.0 ko ginawa yan... :)
Grabe antok na ko... sinimulan ko yan pagdating ko kanina galing school. Kumain muna ako bago ako gumawa... Mga 7:30 ako nagstart... 1:00am na ngayon.. :( May prelims pa kami bukas sa dalawang subjects... Ngayon lang sinabi, hindi man lang ako nakapagreview... :( Pero okay lang nagbasa-basa na ako sa bus kanina... :)
Wish me luck naman... :) Hayyy... Gudnite! Antok na tlga ako...
Posted at 08:14 am by @natre